Apat na Hakbang sa Pagpapatawad - Isang pinakamakapangyarihang paraan patungo sa iyong kalayaan kaligayahan at tagumpay
William Fergus Martin
Publisher: Global Forgiveness Initiative
Summary
Bakit Kailangang Magpatawad? Papalayain ka ng iyong pagpapatawad. Makikinabang ka nang malaki kung pipiliin mong magpatawad at ganun rin ang mga taong nakapalibot sayo. Ito ma'y ang pagpapatawad sa iba, o pagpapatawad sa iyong sarili, ang pagpapatawad ang siyang magpapalaya sayo mula sa nakaraan at tutulong sayong makamit ang iyong buong potensyal. Ang pagpapatawad ang tutulong sayo na lumaya sa mga limitadong paniniwala at pag-uugali. Papalayain nito ang iyong kaisipan at emosyunal na enerhiya upang magamit mo ito sa mas mainam na paraan tulad ng paglikha ng mas maayos na buhay. Ang pagpapatawad ang siyang tutulong sayo na makamit ang pinaka praktikal at mga madaliang layunin. Siguro, ninanais mo na magkaroon ng mas maayos na trabaho, kumita ng mas malaki, magkaroon ng mas maayos na pagsasama sa mga taong mahal mo, o tumira sa mas magandang lugar. Ang pagpapatawad ang tutulong sa iyong makamit ang lahat ng ito. Kung hindi ka nagpatawad, may bahagi ng iyong buhay o enerhiya ang nakakulong pa rin sa sama ng loob, galit, sakit, o anumang uri ng pagdurusa. Ang enerhiyang nanatiling nakakulong ang mag-uudlot sayo sa maraming bagay. Ito ay tulad sa pagsakay sa isang bisekleta na maya't mayang pumepreno. Pinababagal ka nito kung saan maari kang maging iritable at mahirap para sa iyo ang umusad. Ang matutunang magpatawad ay makakatulong sayo; hindi ka nito masasaktan. Habang ikaw ay patuloy na natututong magpatawad, ang mga kakayahang natatago sa iyo ay lalabas, at patuloy mong madidiskubre ang iyong sarili na mas malakas at mas mahusay higit pa sa inaakala mo. Bahagi ng iyong sarili na hindi lumalago sapagkat naitanim ito sa tuyong lupain ng hindi pagpapatawd ang unti-unting sisibol. Unti-unting mong pakakawalan ang paghihirap at pagpapagod, bagkus ay makakahanap ka ng mas maiinam na daloy ng mga bagay-bagay at ang iyong buhay ay magiging mas maayos at kasiya-siya.